Mabuting Balita is a new Christian magazine for Filipino readers in Hong Kong.

We are accepting contributions, advertisements and subscriptions.

Links:

Learn about our Apostolic Media Ministry in Hong Kong

Learn about the persecuted Church in Asia
www.csw.org.hk

Learn about us personally at our blog sites
Edward
Cheryl

Brief note on our
other ministry work

   

Bakit hindi na lang gumawa ang Diyos ng isang dakilang milagro para mapatunayan Niya sa mundo na tunay ngang may Diyos?

Dahil ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig na nagnanais ng ating kusang pagmamahal, at hindi isang panginoon na nag-uutos ng ating pagmamahal.

Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng ganap na kalayaan (ang handog ng puspos na pagmamahal) na hinayaan Niya tayong mamuhay nang animo’y walang Diyos, dura-duraan Siya sa mukha, at ipako sa krus. Dahil sa pagmamahal, hindi Niya ipinipilit sa tao na mahalin Siya, bagkus ay hinihintay Niya na kusa Siyang mahalin ng tao. Bagaman may kapangyarihan Siyang piliting sumunod sa Kanya ang mga tao, tanging sa pagmamahal lamang makakapagkamit ng tugon ng pagmamahal, na siya lamang ninanais ng Diyos mula sa atin, at siya ring dahilan kung bakit Niya tayo nilikha.

Kung ipapamalas ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan, oo, papaniwalaan nating tunay ngang may Diyos at susundin natin Siya dahilan sa takot. Subalit, hindi ito ang Kanyang ninanais. Gusto ng Diyos na kilalanin natin Siya bilang Ama, Kaibigan, Taga-Aliw, Tagapayo, — nang kusang loob, at hindi sapilitan. Hindi ganito ang pagkakakilala ng marami sa Diyos, ngunit ito ang tunay na Diyos na nasa Biblia. Siya ang Diyos na nagmamahal.

Binigyan na Niya tayo ng sapat na dahilan para maniwala tayo sa Kanya. Ngunit hindi Niya tayo pinipilit na kilalanin Siya. Tulad ng sabi ni Hesus, "Nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, ako’y papasok sa kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain" (Pahayag 3:20). Papasok Siya sa ating buhay kung papahintulutan natin Siya. Kung taos-puso nating nanaising malaman kung nariyan nga Siya at ang tungkol sa Kanya, papahintulutan Niya tayong matagpuan Siya at makilala Siya.

 

   

If you want to find more information about Mabuting Balita, please go to our Hong Kong media ministry website