Mabuting Balita is a new Christian magazine for Filipino readers in Hong Kong.

We are accepting contributions, advertisements and subscriptions.

Links:

Learn about our Apostolic Media Ministry in Hong Kong

Learn about the persecuted Church in Asia
www.csw.org.hk

Learn about us personally at our blog sites
Edward
Cheryl

Brief note on our
other ministry work

   

Kung ang Diyos ay mapagmahal, bakit nagpapadala Siya ng tao sa impyerno?

Ang Impyerno ay bunga ng Kasalanan. Ang kasalanan ay bunga ng di-pagsunod ng tao. Oo, nahulog ang tao dahil nilikha siya na may kalayaang sundin o suwayin ang Diyos. Mas nanaiisin mo bang maging isang manikin na walang kalayaan? Sa gayon, pinili ng tao na magkasala, at mula noon ay patuloy pa ring nagkakasala. Ngunit laging sinusubukan ng Diyos na mapagbalik-loob Niya sa Kanya ang Kanyang sambayanan at masagip sila sa Impyerno. Ang pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus ang sukdulang pagmamahal na ibinigay Niya sa atin upang magbalik-loob tayo sa Kanya at masagip sa kapahamakan. Dahil tinubos tayo ni Hesus sa LAHAT NG KASALANAN, walang sinuman ang dapat magdusa sa Impyerno. Subalit marami pa rin ang nahuhulog.

Ang pagkakaroon ng sariling kapasyahan ay nangangahulugan na maaari tayong pumili kung tatanggapin natin o tatanggihan ang Kanyang Pagliligtas. Sabi ng Diyos, "Inilalahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtagal" (Deutronomio 30:19). Diyos ang nagsasabi sa atin, "Binigyan ko kayo ng kalayaang pumili, na mahalin ako o lumayo sa akin." Sa gayon, ito ang ating pagpipilian: ang pagpapala o sumpa, langit o impyerno, pagmamahal ng Diyos o kapootan ng Diyos.

 

   

If you want to find more information about Mabuting Balita, please go to our Hong Kong media ministry website