Mabuting Balita is a new Christian magazine for Filipino readers in Hong Kong.

We are accepting contributions, advertisements and subscriptions.

Links:

Learn about our Apostolic Media Ministry in Hong Kong

Learn about the persecuted Church in Asia
www.csw.org.hk

Learn about us personally at our blog sites
Edward
Cheryl

Brief note on our
other ministry work

   

Busugin mo ang iyong sarili

Nais kong ibahagi ang tatlong bagay na natutunan ko sa pagbabasa ng Biblia. Una, natutunan ko na nagbabasa ang karamihan ng tao ng mga kasulatan sa gayung paraan kung paano kumain ang isang ibon. Tumutuka sila ng isa-iisang bersikulo, lumulukso sa mga pahina at naghahanap ng mga butil na makakain. Kakain ng kaunti sa isang lugar at lulundag sa ibang lugar at doo’y kakain muli ng kaunti, at pauilit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit na aawitin ang mga aral mula sa mga sikat na parabula. Ito ay magandang paraan para sa nagsisimula, lalu na ang pagbabasa ng mga pinakamahahalagang kasulatan. Ngunit kung nais mong paunlarin ang iyong kaisipan, dapat kang maghanap ng mas mahusay na paraan ng pagkain! Ayon kay Pablo, gatas lamang ang kayang inumin ng mga sanggol, ngunit ang mga matatanda ay kailangang nguyain ang pagkaing kanilang kakanin! KARNE ang ibigay ninyo sa akin!

Ang problema sa pagkain nang tulad ng isang ibon ay hindi ka kailan man mabubusog. Karamihan ng taong nakasanayan ang ganito ay hinahati ang pagbabasa ng mga kasulatan, tulad ng ibon na hinihila lamang ang KALAHATI ng bulateng nakabaon sa lupa. Pagkain nga ito, ngunit hindi naman nakakabusog tulad ng isang buong bulate! Medyo nakakadiri nga lang pakinggan, pero naintindihan mo naman ang punto, hindi ba? Sa pagkain ng kalahating bulate, kinakailangan mo pang tumalon sa ibang lugar at kumain muli ng kalahating bulate upang mabusog. Kundi, mananatili kang gutom.

Ang iyong binabasa ay kasing halaga ng PAANO ka magbasa.

Heto ang natutunan ko. Basahin ang mga pangunahing bersikulo, kadalasang nilalaman nito ang mga pinaka mahahalagang konsepto. Basahin naman ang naunang isa o dalawang talataan, basahin din ang sumunod na isa o dalawang talataan. Mula dito, suriin kung bakit isinulat ang bersikulong iyon, ano ang paksa sa mga naunang talataan, at ano ang nais iparating sa mga sumusunod na talataan.

Basahin sa wikang alam mo

Pangalawa, magbasa ng isang Bibliang maiintindihan mo. Marami akong alam na Biblia na gumagamit ng malalalim na salita na hindi na masyadong naiintindihan sa panahon ngayon. Naging pagkahaling ito sa maraming tao nang daan-daang taon, sa katunayan libu-libong taon! Hindi nila nakilala ang Diyos bilang Ama nila at hindi pa nila nauunawaan na nais ng Diyos na malaman ng LAHAT ang Kanyang salita. Kaya, hindi nila inilabas ang Biblia sa mga tao, itinago, at isinulat sa wikang mga pantas lamang ang makakaintindi.

Salamat sa Diyos at ang lahat ng ito ay nagbago na.

Ngayon, napakarami nang bersyon ng Biblia sa iba’t ibang wika. Makakapili ka na ng bersyong lubusan mong maiintindihan. Ito ang isa sa pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin. Kung hindi ka magaling sa Ingles, huwag kang gagamit ng bersyong New King James, sa halip gamitin mo ang mga bersyong NIV, Living, New Amplified o Message, o isang bersyong nakasulat sa iyong katutubong wika. Kung hindi mo kayang basahin ang mga salita, paano mo maiintindihan ang mga idea? Imposible!

Basahin upang maintindihan

Panghuli, laging tandaan, isinulat ang Biblia upang maintindihan. Lahat ng nasa Biblia ay isinulat para basahin, at intindihin ng mga tao, kung para kanino ito ay isinulat! Ang ilang idea ay lubhang malalim, masyadong babigat, o maaaring magkaroon ng malaking epekto sa ating buhay. Marami sa mga ideang pang-espiritwal ay maaari lamang maintindihan kapag suma-puso natin ang Banal na Espiritu. Ngunit kailangan mo pa ring basahin ito at subuking intindihin.

Kapag hiniling mo kay Hesus na maging kaibigan mo Siya, kapag tinanggap mo Siya sa iyong puso, kapag hiniling mo sa Kanyang sagipin ka mula sa iyong mga kasalanan, maging iyong Tagapagligtas, patawarin ka Niya sa iyong mga pagkakasala, tanggalin ang iyong mga kasalanan, gawin kang anak ng Diyos, o anu man ang iyong hilingin sa Kanya, isang napaka espesyal na bagay ang Kanyang ginawa. Inilalagay Niya ang Banal na Espiritu sa iyong kalooban. Bunga nito, ikaw ay nilikhang muli sa mundo. Ikaw ay naging malinis sa espiritu. Naging bahagi ka ng pamilya ng Diyos. Ang Espiritu and siyang bumuhay muli kay Hesus, oo, at ito ngayon ay naninirahan sa iyong puso. Sa paraang ito naging MAS malapit ang Diyos sa atin. Hindi ang Diyos sa pananalitang makata, kundi ang Diyos sa tunay na buhay. Isa sa pangunahing dahilan kung bakit Niya ito ginawa ay upang ituro sa iyo kung ano ang ibig ipahiwatig ng Biblia. Sa ganitong paraan, sa ANU MANG bagay na iyong itatanong sa Kanya, ay kakausapin mo Siya sa pamamagitan ng iyong puso, at ikaw ay Kanyang maririnig. Hindi Siya kailan man magiging abala, hindi kailan man mapuputol ang "linya", at hindi kailan man magkakaroon ng problema sa "network".

Tulad ng sabi sa akin ng isang matalik na kaibigan, "Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo, at kayo’y makakasumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi, nakakasumpong ang bawat humahanap, at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok." LAGING tutugon ang Diyos. Pangako, hindi lamang mula sa akin, kundi mula rin sa Diyos. At hindi magsisinungaling ang Diyos sa ANU MANG BAGAY. Alam ko ‘yan. Paano? Nakasulat ‘yan sa Biblia!

   

If you want to find more information about Mabuting Balita, please go to our Hong Kong media ministry website