![]() |
Mabuting Balita is a new Christian magazine for Filipino readers in Hong Kong. We are accepting contributions, advertisements and subscriptions. |
||
![]() ![]() |
|||
|
Links: Learn about our Apostolic Media Ministry in Hong Kong Learn about the persecuted Church in Asia Learn about us personally at our blog sites
Brief note on our
|
|||
|
by William J Goodwin, Jr. Paano mo mabisang maipapakita ang iyong pagmamahal sa Diyos? Higit pa rito, paano mo masusukat kung minamahal mo Siya nang buong puso, kaluluwa at pag-iisip? Kada buwan sa Love Letters, pag-uusapan natin ang mga praktikal at biblikal na halimbawa ng dalawa at kung paano natin mamahalin ang ating mga kapwa. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta. Mateo 22:37-40 Pagmamahal sa Diyos: Pag-uukol ng Oras sa Kanya Magkakaroon ka ba ng isang mabisang pagkakaibigan sa isang taong hindi ka pinakikinggan? Isa ka bang mabuting kaibigan kung ikaw lamang ang nagsasalita at hindi kailan man nakikinig? Gaano katagal sa iyong palagay magtatagal ang inyong pagkakaibigan kung hindi kayo kailan man nag-ukol ng oras sa isa’t isa? Ang ating relasyon sa Diyos ay hindi gaano kaiba sa alin mang relasyon dito sa mundo. Sa katunayan, dapat itong magsilbing halimbawa sa ating mga personal na relasyon. Ito ang dapat maging pinakadalisay na relasyon na mayroon tayo. Tayo’y nilikha ng Diyos na makisama sa isa’t isa at sa Kanya. Kung sasabihin natin sa Diyos na mahal natin Siya, ngunit kakaunti o walang panahon tayong iniuukol sa Kaniya sa pagsamba, pananalangin o pagbasa ng mga salita Niya, ay walang kahulugan ang ating mga sinasabi. Ang Genesis 5:22 at 6:9 ay nagbibigay ng magagandang halimbawa ng mga taong nagkaroon ng pakikisama sa Diyos. Sinabi pa ng Biblia na sila’y "namumuhay na kasama ng Diyos." Dapat nating tiyaking nag-uukol tayo ng panahon sa pagdarasal araw-araw. Kung ikaw ay bago sa pananampalataya, maaaring maging mahirap ito para sa iyo, ngunit patuloy pa rin itong gawin. Huwag mag-alala kung paano ka magdarasal, maraming halimbawa ang makikita sa Biblia. Kung hindi mo alam ang iyong sasabihin, makipag-usap lamang sa Diyos. Sabihin mo sa Kanya ang mga nasa damdamin mo. Sa 1 Tesalonica 5:17, sinasabi ng Biblia na, "maging matiyaga sa pananalangin." Naniniwala akong isa itong magandang paraan ng pagsasagawa ng pananalangin. Magdasal nang madalas hangga’t makakaya mo; sa sasakyan papunta sa trabaho, sa bus papunta sa eskwelahan, pagkagising na pagkagising, bago matulog, o kailan man mayroon kang pagkakataon. Hindi kinakailangang mahaba ang iyong panalangin. Ang mahalaga ay manalanging ka. Mahalagang huwag magkaroon ng saloobin na kung saan ang pananalangin ay nararapat gawin sa isang tiyak na postura o lugar. Ikararangal ng Diyos ang paggalang na iyong ipapakita sa pagluhod, pagdapa o pagtaas ng mga kamay, ngunit hindi ito kinakailangan para sagutin ng Diyos ang iyong panalangin. Maaaring sa simula ay maramdaman mo na sa iyong pakikipag-usap sa Diyos ay ikaw lamang ang laging nagsasalita. Na parang hindi sumasagot ang Diyos. Maraming tao ang ganito ang nararamdaman. Ngunit sa katotohanan, lagi tayong kinakausap ng Diyos. Kinakausap Niya tayo sa pamamagitan ng ating espiritu. (Juan 14:16-26). Mahalagang sundin ang pag-udyok ng Espiritu. Marami na akong narinig na testimonya ng mga taong nakaligtas mula sa kamatayan matapos na matapos silang ipagdasal ng isang taong inudyok ng Espiritu. Kaya tiyaking sundin ang pag-udyok ng Espiritu. Kinakausap din tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita, ang Biblia. Kung nais mo ng mapagkakatiwalaang paraan upang malaman kung ano ang sinasabi sa iyo ng Diyos, basahin mo ang Biblia. Sa ilang tao, ang Biblia ay isa lamang aklat ng mga kaganapan at istorya ng kasaysayan, ngunit ang bawat bahagi ng Biblia ay may ilang praktikal na aplikasyon sa buhay. Subukan mong basahin ito sa persperktibong ang Diyos ay may nais sabihin sa iyo. Magugulat ka na sa pagbasa mo nito, kahit sa paulit-ulit na pagbabasa ng isang sipi nito, ay masmarami pa ang makikita mo dito. Kaya, paano natin epektibong maipapamalas ang ating pagmamahal sa Diyos? Mag-ukol ng panahon sa Kanya sa pananalangin at pagbabasa ng Kanyang salita. Ito ay isang mahalagang hakbang sa pagbubuo ng matatag at magandang relasyon sa Diyos. Paano natin masasabi kung minamahal natin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa at pag-iisip? Gaano kadalas tayo nag-uukol ng panahon sa Kanya? Kung ikaw ay bago sa pananampalataya, tiyaking mag-ukol ng panahon sa Panginoon. Kung ikaw ay matagal nang nananampalataya at hindi mo pa ito nagagawa, ang mabuting balita ay hindi pa huli ang lahat upang magsimula. Pagmamahal sa ating Kapwa: Sino ang ating kapwa? Sa aking palagay, dapat muna nating sagutin ang hindi maiiwasang katanungan na, "Sino ang aking kapwa?" Gawi ng taong subuking pangatwiranan ang hindi pagmamahal sa ilang tao dahil hindi natin sila gusto o dahil nagpapakita sila ng pagiging makasalanan o dahil lamang naiinis tayo sa kanila. Karamihan sa atin, hindi natin sila itinuturing na "kaibig-ibig" at samakatuwid ay hindi natin natin sila "kapwa" at hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon. Sa halip na maging bukas sa paglilingkod sa kanilang pangangailangan ay nagiging matigas ang ating puso. Ito ay hindi pagmamahal ngunit paghuhusga sa kanila. Nananatili ang katanungan: ito ba ay mabuting paraan ng pagtrato sa mga taong masama ang pagtrato sa atin o nagpapagalit sa atin? Mahusay na sinasagot ito ng mga kasulatan sa Mateo 5:43-48. Itinuro sa inyo ni Hesus na dapat pa nga ay "ibigin ninyo ang inyong mga kaaway." Ngunit ito ay waring isang pagkakasalungat. Paano tayo magkakaroon ng mga kaaway kung sila ay iibigin natin? Ang ating tinatalakay ay may kinalaman sa kung ano ang pakikitungo at nararamdaman ng ibang tao tungkol sa atin, hindi sa kung ano ang nararamdaman natin tungkol sa kanila. At ito ang pangunahing punto. Ang pag-ibig ay may malaking kinalaman sa reaksyon. Ano ang iyong magiging reaksyon sa pagmamaltrato sa iyo ng iba? Kung sinisiraan ka nila o nagsasabi sila ng kasinungalingan sa iba laban sa iyo, paano mo tio tutugunan? Dalawang kasulatan ang dati’y naging misteryo sa akin. Ang isa ay ang Mateo 5:38-42 at ang isa naman ay ang Roma 12:17-21. Bilang buod, sinasabi dito na, "Gumawa ka ng mabuti sa kanila na hindi nagiging mabuti sa iyo." Dati’y iniisip kong imposibleng gustuhin ang gawin ito, lalo na’t kung ikaw ay galit sa kung ano man ang ginawa ng isang tao sa iyo. Itinuro sa akin ng aking minamahal na asawa ang mali sa kaisipan kong iyon. Noong kami ay bagong kasal pa lamang ay madalas kaming nagtatalo. Ngayon, naunawaan ko na na karamihan sa mga pagtatalo namin ay dahil sa akin. Masmasahol pa dito, nakapagbitiw ako ng masasamang salita na lubos na nakasakit sa damdamin ng aking asawa. Ilang minuto makalipas, gagawa siya ng isang kakaibang bagay na hindi ko inaasahan. Gagawa siya ng isang bagay na may pagmamahal. Halimbawa, pupunta siya sa kusina at tatanungin ako kung may gusto ba akong ipakuha. Ito ay isang bagay na hindi ko nakasanayan. Sa bahay kung saan ako lumaki, kapag galit ang mga tao sa isa’t isa, hindi sila nagkikibuan nang matagal. At kung may kailangan ka ay dapat sarili mo itong kunin dahil hindi sila gagawa ng kahit anuman para sa iyo hangga’t hindi ka humihingi ng paumanhin. Ang patuloy na paggawa ng aking asawa ng mga mabubuting bagay sa akin sa kabila ng pagmamaltrato ko sa kaniya ang nagpabago sa akin. Unti-unti kong nakita kung gaano ako naging kasama sa kaniya. Sa una, naiinis ako dahil gusto kong magalit, ngunit sandali lamang ay mapapalitan ang aking pagka-inis ng muling pagmamahal sa kaniya. Walang maaaring ipalit sa paggawa ng kabutihan at pagmamahal sa iba sa kabila ng kanilang ginagawa sa iyo. Maraming tao ang nagtatanong kung ito rin ba ang dapat itugon sa mga gawing mapang-aabuso. Hindi mo dapat sadyang ilagay ang iyong sarili sa ganitong uri ng panganib, ngunit dapat kang magpatuloy na magpakita ng pagmamahal sa mga mapang-abuso. Minsan may naglarawan sa mga taong dapat nating mahalin bilang, "sino mang nasa loob ng saklaw ng ating impluwensya." Hindi ito nangangahulugan na ang dapat lamang nating mahalin ay ang mga taong sa tingin natin ay maaari nating maimpluwensyahan, sa halip ay dapat nating mahalan ang lahat ng taong mayroon tayong personal na pakikisama. Sa madaling sabihin, hindi natin maaaring piliin kung sino ang kapwa natin. Dapat nating mahalin ang mga taong nasa paligid natin, paano man ang pagtrato nila sa atin. At laging tandaang magpakita ng kabutihan, tumugon ng kabutihan, daigin ng mabuti ang masama, dahil ito ang tunay na pamumuhay sa Pag-ibig na kasama ang iyong kapwa. |
|||
|
If you want to find more information about Mabuting Balita,
please go to our Hong Kong media ministry
website
|
|||