![]() |
Mabuting Balita is a new Christian magazine for Filipino readers in Hong Kong. We are accepting contributions, advertisements and subscriptions. |
||
![]() ![]() |
|||
|
Links: Learn about our Apostolic Media Ministry in Hong Kong Learn about the persecuted Church in Asia Learn about us personally at our blog sites
Brief note on our
|
|||
|
Nais kong lumaki at matuto at magtagumpay sa aking pang-araw-araw na buhay, lalo na sa maliliit na bagay, katulad ng pakikitungo sa aking mga ka-eskwela, pagiging matapang kapag kinakabahan ako sa mga pagsusulit, pakikitungo sa aking mga magulang, at hindi mainis kapag wala akong eksaktong barya sa bulsa o kapag naubusan ng laman ang aking MTR octopus card. Sinasabi ko sa aking sarili, kapag hindi ako nagtagumpay sa mga maliliit na bagay sa aking buhay, sa simula pa lang ay wala na akong napagtagumpayan. Mas nanaisin ko pang maging mahinahon at mabait, masaya at tahimik, kaysa maging isang makapangyarihan at sikat na propeta o mangangaral na lagi namang mainitin ang ulo. Kahit malaman ng mga tao ang aking kapangyarihan, hindi pa rin nila ako paniniwalaan dahil ako ay malupit at mainitin ang ulo. Kaya, mas nanaisin ko pang maging mahinahon, masaya at magdasal na makakuha ng magagandang resulta sa aking mga pagsusulit, pagalingin ang aking sipon sa pamamagitan ng pagninilay-nila sa sakripisyong ginawa ni Hesus, magkaroon ng eksaktong baryang pambayad sa bus, o maghanap ng isang magandang kasulatan kapag kailangan ko ng salita mula sa Diyos — heto ang maliliit na bagay — at kapag matagal bago matugunan ang aking mga kahilingan, o kapag ibinigay ng Diyos ang taxi ko sa isang matandang babae na mas nangangailangan nito kaysa sa akin, o kapag kinailangan kong manghingi ng HK$3.50 sa isang taong hindi ko kilala para ipambayad ng pamasahe sa bus, o kapag may humarang sa pintuan ng MTR at hindi ako nakasakay sa tren dahil hindi niya ako pinayagang makapasok, kahit maaari pa naman magpapasok — ayaw kong hayaang uminit ang ulo ko, magalit sa aking kapwa, at lalo nang ayaw kong pagbintangan ang Diyos na hindi niya ako kinakalinga. Natutunan ko rin na ang buhay ko ay binubuo ng mga maliliit na bagay na ito, at kung ako ay puno ng pananampalataya at malampasan ang mga maliliit na pagsubok na ito, maari na akong sumulong sa mga malalaking bagay nang kapiling ang Diyos, ngunit kapag ako ay nabigo dahil sa pagiging masama, pag-init ng ulo, hindi ipagtitiwala sa akin ng Diyos ang mas malalaking bagay. Heto LAMANG ang mga kautusang ibinigay ni Hesus: Ibigin mo ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, pag-iisip at lakas; at Ibigin mo ang iyong Kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Kaya kung may pananampalataya ako sa paggawa ng mga maliliit na bagay, bibigyan pa Niya ako ng mas marami, ngunit kung hindi ko makakayanang gawing ang mga simpleng bagay na ito, kailangan Niyang paulit-ulit na ituro ito sa akin! Hindi ba nakakayamot ang isang bagay na paulit-ulit? Kaya’y mag-aral nang kaunti, maghanda para sa maliliit na bagay na darating, at siguruhing magtagumpay sa mga pagsubok; huwag mainis, subalit ay magpatuloy na mamuhay sa Pag-ibig.
|
|||
|
If you want to find more information about Mabuting Balita,
please go to our Hong Kong media ministry
website
|
|||