![]() |
Mabuting Balita is a new Christian magazine for Filipino readers in Hong Kong. We are accepting contributions, advertisements and subscriptions. |
||
![]() ![]() |
|||
|
Links: Learn about our Apostolic Media Ministry in Hong Kong Learn about the persecuted Church in Asia Learn about us personally at our blog sites
Brief note on our
|
|||
|
Sigurado akong lahat tayo’y nakaranas na ng lubos na kasiyahan sa pag-awit sa Diyos, pagpuri sa Kanya at pagsamba sa Kanya. Bakit nagbubunga ng kasiyahan sa puso ang pagpuri at pagsamba? Ito ay dahil ginaganap natin ang hangarin ng Diyos sa paglikha sa atin. Sa pagpuri natin sa Diyos, pinapasalamatan natin Siya sa mga bagay na ginawa Niya para sa atin. Sa pagsamba natin sa Kanya, hinahayaan natin ang ating sariling maranasan ang Kanyang piling. Sa ating pagpuri at pagsamba sa Diyos, inuugnay natin ang ating sarili sa Kanyang Banal na Espiritu, at matapos tayong mag-ukol ng panahon sa pagpuri at pagsamba sa Diyos, anuman ang ating nararamdaman sa simula, makakaramdam tayo ng pagbabagong-sibol na puno ng lakas at kasiyahan sa puso. Suriin natin ang pagpuri: 1. Inilalapit tayo ng pagpuri sa tunay na piling ng Diyos (Gawa 16:25-34). 25 Nang maghahating-gabi na, sina Pablo at Silas ay nanalangin at umaawit ng papuri sa Diyos. Sila ay pinapakinggan ng mga bilanggo. 26Bigla na lamang nagkaroon ng isang malakas na lindol. Anupa’t umuga ang mga patibayan ng bilangguan. Kaagad ay nabuksan ang lahat ng mga pinto at nakalas ang mga gapos ng bawat isa. 27Ang punong-bantay ng bilangguan ay nagising sa pagkakatulog. Nang makita niyang bukas ang mga pinto ng bilangguan, binunot niya ang kaniyang tabak. Magpapakamatay na sana siya sa pag-aakalang nakatakas na ang mga bilanggo. 28Ngunit si Pablo ay sumigaw ng malakas na sinabi: Huwag mong saktan ang iyong sarili sapagkat naririto kaming lahat.29 Siya ay humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob. Siya ay nanginginig na nagpatirapa sa harapan nina Pablo at Silas. 30Inilabas niya sila at sinabi: Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?31 Sinabi nila: Sumampalataya ka sa Panginoong Jesucristo at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan. 32Sinalita nila sa kaniya ang salita ng Panginoon at gayundin sa lahat ng nasa kaniyang bahay. 33Sila ay kinuha niya sa oras ding iyon ng gabi. Hinugasan ang kanilang mga sugat. Kaagad ay binawtismuhan siya at ang buo niyang sambahayan. 34Dinala niya sila sa kaniyang bahay. Hinainan niya sila ng pagkain at nagalak din ang buo niyang sambahayan sapagkat sila ay sumampalataya sa Diyos.2. Iginagapos ng pagpuri ang kaaway (Awit 149:6-9). 6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios, at tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;7 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa, at mga parusa sa mga bayan;8 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala, at ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;9 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat: mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal. Purihin ninyo ang Panginoon.3. Ginugulo ng pagpuri ang kaisipan ng kaaway at nagdadala ng tagumpay sa bayan ng Diyos (2 Cronica 20:1-2, 21). 1 At nangyari, pagkatapos nito, na ang mga anak ni Moab, at ang mga anak ni Ammon, at pati ng iba sa mga Ammonita, ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka. 2Nang magkagayo’y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat, na nagsasabi, May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Siria; at, narito, sila’y nangasa Hasason-tamar (na siyang Engedi).21 At nang siya’y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila’y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka’t ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.4. Lubos na ikasisiya at ikagagalak ng Diyos ang pagpuri sa Kanya (Awit 37:4). 4 Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.5. Ikinagagalak ng Diyos ang malalakas na pagpuri (Lucas 19:37-40). 37 Malapit na siya sa paanan ng bundok ng mga Olibo. Habang papalapit na siya ang buong karamihan ng mga alagad ay nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos. Nagpuri sila nang may malakas na tinig sa lahat ng mga himalang nakita nila. 38Sinasabi nila: Papuri sa Hari na pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataas-taasan!39 Ang ilan sa mga Fariseong mula sa karamihan ay nagsabi sa kaniya: Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad. 40Sa pagsagot ay sinabi niya sa kanila: Sinasabi ko sa inyo, kapag tumahimik ang mga ito, sisigaw ang mga bato.Samakatwid, nakita natin na ang pagpuri ay isang sandata laban sa kaaway. Maaari nitong wasakin ang mga gawa ng kaaway at maaari itong ipangsagip ng mga kaluluwa. Noong nagbigay-puri ang mga taga-Juda sa Diyos, ginulo Niya ang pag-iisip ng mga kaaway. Bunga nito, sila-sila ang nag-away at nagtagumpay ang bayan ng Diyos. Bakit? Dahil nagpuri sila sa Diyos sa panahon ng kaguluhan, sa halip na dumaing o mangamba. Nakita din natin na ang pagpuri ay nagdudulot ng kasiyahan sa ating puso at ikinagagalak ng Diyos ang pagpupuri mula sa Kanyang sambayanan. Ngunit, ano ang ipinahihiwatig nito? Sa ating pagpuri sa Diyos, Siya ba ay nagiging mas dakilang Diyos? Hihinto ba Siya sa pagiging Diyos kung hindi tayo magbibigay-papuri sa Kanya? Syempre hindi! Bakit kaya tayo inuutusan ng Diyos na magbigay-papuri sa Kanya? Sapagkat ang pagpuri sa Diyos ay nagdadala ng pagpapala sa atin. Inilalapit nito tayo sa piling Niya at nagdadala ng tagumpay sa atin. Suriin natin ang pagsamba: Sa Juan 4:23 mababasa natin, "Ngunit dumarating na ang panahon — ngayon na nga — na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa Kanya sa Espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ito ang hinanahap ng Ama sa mga sumasamba sa Kanya." Kaya, paano natin sasambahin ang Diyos sa Espiritu? Dapat tayo muling isilang sa Espiritu at dapat tayong gabayan ng Espiritu. At paano natin sasambahin ang Diyos sa katotohanan? Dapat tayong sumamba ayon sa salita ng Diyos (Juan 17:7) at dapat tayong sumamba nang taos sa puso (Awit 51:6). Sa ating pagninilay, mauunawaan natin na ang pagpuri at pagsamba ang mga pinakamahalagang bahagi ng ating pamumuhay na kasama ng Diyos. Oo — "Ang pagpuri at pagsamba ay hindi lamang gawain ng puso, sa katotohanan, ito ang puso ng lahat ng gawain." Samakatwid, magbigay-papuri tayo at sambahin ang Diyos, lalo na sa mga panahon ng kaguluhan, sa halip na tanggapin ang pagkatalo o dumaing. Katulad ng Kanyang mga salitang narinig natin, ginugulo nito ang pag-iisip ng kaaway at ang piling ng Diyos ay mapapasa-atin, at kung sumasa-atin ang Diyos, walang sino man ang sasalungat sa atin. Mangako tayong magbigay-papuri at sambahin ang Diyos sa araw-araw anuman ang ating ginagawa. Mararanasan natin ang buhay na puno ng pagpapala bilang bunga nito. Ilan pang bersikulo ukol sa kung paano magbigay-papuri at sambahin ang Diyos! 1) Pagkanta (Awit 95:1a); 2) Pagpalakpak ng mga kamay (Awit 47:1a); 3) Pagsigaw (Awit 95:1b); 4) Pagyuko (Awit 95:6a); 5) Pagluhod (Awit 95: 6a); 6) Pagtaas ng mga kamay (Awit 134:2a); 7) Pagsayaw (Awit 149: 3a); 8) Pagpapatugtog ng mga instrumento (Awit 150: 3-5); 9) Paglalakad at paglukso-lukso at pagpuri sa Diyos (Gawa 3:8); and 10) Paggawa ng mg simpleng gawain ng kabutihan at pamumuhay nang malinis at banal na buhay (Santiago 1:27). |
|||
|
If you want to find more information about Mabuting Balita,
please go to our Hong Kong media ministry
website
|
|||