![]() |
Mabuting Balita is a new Christian magazine for Filipino readers in Hong Kong. We are accepting contributions, advertisements and subscriptions. |
||
![]() ![]() |
|||
|
Links: Learn about our Apostolic Media Ministry in Hong Kong Learn about the persecuted Church in Asia Learn about us personally at our blog sites
Brief note on our
|
|||
|
Ang mga Binhi, Puno at Bunga ay mga yugto ng pagtubo. Sinasabi sa atin na ang bawat aksyong gagawin natin, bawat pagpapasya, ay nagpupunla ng binhi. Ang mga ito ay maaaring maging paggawa ng kabutihan, pagpapakita ng awa o panlilinlang, paggawa ng kasalanan. At kahit sino man ang nakakaalam ng tungkol sa ginawa natin, kahit sino man ang nakakita nito o naapektohan nito, alam ito ng Diyos — at gagantimpalaan tayo ng Diyos ayon sa mga nagawa natin: Mabuting gantimpala para sa mga Mabubuting nagawa, Masasamang gantimpala para sa mga Masasamang nagawa. Ayon sa Biblia "kung ano ang inihasik ng tao, iyon din ang kanyang aanihin" at may kasabihan din tayong "kung ano ang ginawa mo, siya ring babalik sa iyo." Ito ay isang katotohanan sa buhay na alam ng BAWAT ISA. Kung anong binhi ang iyong ipinunla, siya ring puno ang sisibol mula dito. Hindi maaaring umani ng pinya mula sa itinanim na puno ng mansanas. Gayun din naman, hindi maaaring umani ng kabutihan mula sa itinanim na karamutan, o kabutihang-loob mula sa itinanim na kasakiman. Ang ipinunlang binhi ay sisibol, tutubo at mamumunga. Ito ang pisikal na resulta ng iyong pagtatrabaho, pagsisikap, paniniwala at mga salita. Sa loob ng bunga ay may buto na maaari muling ipunla, na siya namang tutubo at muling mamumunga . . . . Ibinigkas ng Diyos na ang taong ito ay ang Taon ng Kasaganaan, kasaganaan ng anumang binhing ipupunla, mabuti man o masama. Ayon sa Biblia, ito ang panahon kung kailan mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas. Nangangahulugan ito na sa mga huling araw na ito, sa lubhang bilis ng pagtubo, agad na maaani ang mga bunga ng mga binhing ipinunla, na ang lahat ay magiging kagyat! Ang dating namumunga makalipas ang 10 taon, ngayon ay mamumunga makalipas lamang ang 10 buwan, 10 linggo, 10 araw, 10 oras o di kaya’y 10 minuto. Nakasalalay sa atin kung ano ang aanihin natin, maging matalino at magpunla ng mga binhing aani ng mga bunga ng kabanalan: kapayapaan, pag-ibig, kaligayahan, pagtitiis, kababaang-loob, kabutihan, pagkamahinahon, at lahat ng kapakinabangan ng Espiritu ng Diyos sa ating buhay. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang binhing ihahasik: ang iyong mga salita ay mga binhi. Kung nagwiwika ka ng paghihinaing: "Kinasusuklaman ako ng Diyos," "Pinababayaan ako ng Diyos," "Hindi ako pinagpapala ng Diyos," gayung mga bagay ang iyong aanihin. Sa halip ay magsisi at magdasal upang PUKSAIN ANG MASASAMANG BINHING IYONG PINUNLA! Kung nagwiwika ka ng mga BINHI NG PAG-ASA, PANANALIG AT PAG-IBIG: "Mahal ako ng Diyos," "Hindi Niya ako iiwan sa pagdurusa," gayung mga bagay naman ang iyong aanihin! Mag-isip bago magsalita, nagbibigkas ka ba ng PAGPAPALA at KASAGANAAN sa iyong buhay, o ikaw ba ay nagsasambit ng SUMPA at KAHIRAPAN? Ikaw lamang ang makakapili ng mga binhing iyong ipupunla. Maligayang pagsalubong sa unang edisyon ng Mabuting Balita. Ang bawat artikolo nito nawa ay magdala sa inyo ng pagpapala at mag-udyok sa inyo na maghasik ng mabubuting binhi ng pag-ibig, kapayapaan, pagkakaisa at kasaganaan, nang sa gayon ay maghatid ito ng masaganang biyaya sa inyong buhay. Dr. Edward Elwyn
Johnson (esq.) |
|||
|
If you want to find more information about Mabuting Balita,
please go to our Hong Kong media ministry
website
|
|||