![]() |
Mabuting Balita is a new Christian magazine for Filipino readers in Hong Kong. We are accepting contributions, advertisements and subscriptions. |
||
![]() ![]() |
|||
|
Links: Learn about our Apostolic Media Ministry in Hong Kong Learn about the persecuted Church in Asia Learn about us personally at our blog sites
Brief note on our
|
|||
|
T: Maaari ba akong mag-asawa ng isang lalaking hindi Kristyano?S: Una sa lahat, magandang katanungan. Sa tingin ko, isa itong bagay na pinagpapakasakitan ng maraming kababaihang Kristyano. Ngunit dahil ang Diyos ay isang tunay na bahagi ng iyong buhay at ang Kanyang Espiritu ay nabubuhay sa iyong kalooban, may nararamdaman kang mga natatanging pagpapahalaga sa loob ng iyong puso. Sa katunayan, naninirahan ang Banal na Espiritu sa iyong puso at ang iyong katawan ang Kanyang templo! Ito rin ang siyang bumuhay na magmuli kay Hesus na ngayon ay naninirahan din sa iyong puso. Marahil ay hindi ka nag-uukol ng maraming panahon sa pakikipag-usap sa Kanya, o sa pagbabasa ng Kayang salita o sa pananalangin. Ngunit sa iyong pamumuhay na kasama Siya, tiyak na mag-uukol ka ng panahon sa Kanya. Kapag nangyari ito, ikaw ay magbabago at mabubuhay na katulad ni Hesus — gayon ang kusang mangyayari. Ipagpalagay natin na may napili kang isang lalaki upang maging asawa, ngunit ang Espiritu ay hindi naninirahan sa kanyang puso. Sa iyong pamumuhay na katulad ni Hesus, siya naman ay namumuhay na katulad ng mga taong hindi kayang maunawaan na may Diyos, na maaari pang tanggihan ang paniniwala sa Diyos at maaari ring ginagamit ng mga kaaway ng Diyos upang gumawa ng kasamaan. Kaya, anong uri ng relasyon ang magkakaroon kayo? Magiging masaya ka ba kung siya ay pala-inom, naninigarilyo o kung niloloko ka niya? Isipin mo rin ang mga pagtatalong magkakaroon kayo!! Madalas mong kakailanganing ipaliwanag at ipagtanggol ang mga nadarama mo sa iyong puso, ngunit dahil ang Espiritu ng Diyos ay wala sa kanya, hindi ka madaling maiintindihan ng iyong asawa. Pagtalunan ninyo man ito, hindi kailan man niya ito maiintindihan! Ngayon, alam ko na maaari kang maging isang mabuting impluwensya sa kanyang buhay, ngunit tatapatin kita, mas madaling maimpluwensyahan ang isang tao sa kasamaan kaysa sa kabutihan, maging si Apostol Pablo ay binigkas ito. 1 Corinto 15:33: "Kaiingat kayo: ang masasamang kasama’y nakasisira ng magagandang ugali." Sa ibang pananalita: Ang masasamang kasama’y nakasisira sa mabubuting kaasalan at pag-uugali. At sa tingin ko, totoo nga ito. Maaari ka ngang magdala ng mabuting impluwensya sa kanyang buhay, ngunit hindi mo naman kinakailangang maging asawa niya upang ipagdasal siya, o makipag-usap sa kanya, diba? T: Sinasabi ng Biblia na ang babae ay dapat magpasakop sa kanyang asawa, ngunit tama ba na pagbuhatan ako ng kamay ng aking asawa?S: Syempre HINDI KAILAN MAN. Hindi na tinatanong pa ‘yan. Ang Diyos ay Pagmamahal. At ang pagbuhatan ng kamay ang isang tao ay hindi Pahmamahal. Magdudulot ito ng paghihimagsik, poot at pagkasira ng inyong relasyon. Sinasabi sa Biblia, "Sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay hindi pa kailan man nakikita ang Diyos." 1 Juan 4:20-21. At sinasabi ring "ang layunin ng tagubiling ito ay pabukalin ang pag-ibig buhat sa pusong dalisay, malinis na buhdi, at tapat na pananampalataya." 1 Timoteo 1:5. At oo, maging ang Diyos ay nagwawasto sa inyo, ngunit para lamang mas mapabuti ang inyong buhay, at hindi Niya kayo pinagmamalupitan, at gayun din naman, ang sinumang nananampalataya ay hindi dapat pagmalupitan ang kanyang kapwa, LALO na ang isang lalaki sa kanyang asawa. Hindi ito ang Espiritu ng Diyos, at kung may magsasabing ito nga ang Espiritu ng Diyos, sila ay (ayon sa katawagang ginamit sa Biblia) sinungaling. 1 Juan 4:20-21. Kapag ikaw ay pinagbubuhatan ng kamay ng iyong asawa tuwing siya ay nagagalit, lalo na kung siya ay nakainom, kailangan mong humingi ng tulong — tulong para sa iyong asawa. Maaari kang makipag-usap sa isang pari o pastor, o sa isang matalik na kaibigan. Ninanais ng Diyos na ang mag-asawa’y magpasakop sa isa’t isa nang may pakundangan sa Diyos. Ito ang pagpapasakop na tinutukoy ng Diyos. Nagpapasakop tayo sa ating asawa dahil kinikilala natin siya bilang anak ng Diyos, na Kanyang minahal nang walang pasubali, at sa gayun ay karapat-dapat sa ating respeto at pagmamahal. |
|||
|
If you want to find more information about Mabuting Balita,
please go to our Hong Kong media ministry
website
|
|||